Isang sakay ng itim na Toyota Fortuner ang nasawi habang tatlo pang kasamahan nito ang sugatan matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang armadong kalalakihan sa Barangay Salunayan, Midsayap, Cotabato, nitong Martes ng umaga, October 7, 2025.
Batay sa inisyal na ulat ng Midsayap Municipal Police Station, pinaputukan ng mga suspek ang sasakyan habang binabagtas nito ang bahagi ng national highway sa nasabing barangay.
Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang mga salarin sakay ng isang hindi pa natutukoy na getaway vehicle.
Sa naturang insidente, nadamay din at nasawi ang isang tricycle driver matapos tamaan ng ligaw na bala.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad habang nagpapatuloy din ang hot pursuit operation para matukoy at maaresto ang mga responsable sa krimen.