Arestado ang isang 24-anyos na babae sa Cotabato City matapos maaktuhan umano sa pag-aalok ng panandaliang aliw sa pamamagitan ng internet.

‎‎Kinilala ng Regional Anti-Cybercrime Unit–Bangsamoro Autonomous Region ang suspek sa alyas na Magdalena.

Ayon sa imbestigasyon, gumagamit umano ito ng social media at online platforms para mag-alok ng seksuwal na serbisyo, dahilan para masampahan ng kasong prostitusyon sa ilalim ng Cybercrime Prevention Act of 2012 o R.A. 10175.‎‎

Ayon kay Regional Anti-Cybercrime Group Director, PBGen. Bernard Yang, patuloy nilang binabantayan ang mga iligal na aktibidad online, lalo na kung may kinalaman sa pananamantala sa kababaihan.‎‎

Hinikayat din niya ang publiko na agad i-report sa kanilang tanggapan ang anumang kahalintulad na krimen sa internet, at tiniyak na mananatiling kumpidensyal ang pagkakakilanlan ng mga magrereklamo.