Gaganapin ang pagtitipon na pinamagatang “Rody at 80: Global Filipino Solidarity” sa darating na Marso 28 bilang bahagi ng paggunita sa ika-80 kaarawan ng dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Layunin ng nasabing aktibidad na ipahayag ang panawagan ng mga tagasuporta para sa pagbabalik ni Duterte sa bansa.

Ang programa ay pinangungunahan ng mga kasapi ng Hugpong sa Tawong Lungsod Party at nakatakdang magsimula sa ganap na alas-3 ng hapon. Kabilang sa mga aktibidad ang isang panalangin at pagpapahayag ng suporta para sa dating pangulo.

Hinihikayat ang mga nais dumalo na magsuot ng berdeng kasuotan bilang simbolo ng pagkakaisa.

Sa kasalukuyan, hindi pa inaanunsyo ang eksaktong lugar kung saan idaraos ang nasabing pagtitipon.