Isinagawa ng Cotabato Light and Power Company o Cotabato Light ang Asbestos Disposal Management Program sa pakikipagtulungan ng MENRE-BARMM o Ministry of Environment, Natural Resources and Energy.
Isinagawa sa punong tanggapan ang talakayan hinggil sa maayos na pagtatapon o disposal ng Colight patungkol sa Asbestos.
Ang asbestos na isang uri ng nakamamatay at mapanganib na materyal ay matagal nang ipinagbabawal ng batas na gamitin ngunit sa mga kumpanya na involved ang kuryente kagaya ng Cotabato Light ay nakakapagproduce sila ng Asbestos at ito ay kanilang maingat na hinahandle at dinidispose.
Dito rin pinakita ang kanilang mga best practices katuwang ang mga tauhan ng MENRE hinggil sa paghawak at maayos na pagtatapon ng nabanggit na Asbestos.
Nasa naturang aktibidad ang AVP at COO ng AboitizPower Distribution Utilities na si Ginoong Anton Mari Perdices, ang pangulo ng Cotabato Light na si Ginoong Valentin Saludes III at ang Minister of Environment na si G. Akhmad Brahim kasama nito ang regional director ng EMB na si Engr. Omar Saikol.