Kinumpirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na isang Filipina caregiver ang nasawi matapos tamaan ng missile strike ang Tel Aviv, Israel.

Kinilala ang biktima na si Mary Ann Velasquez De Vera, isang overseas Filipino worker (OFW) na residente ng Pangasinan.

Nagpaabot ng pakikiramay ang Pangulo sa naiwang pamilya ng nasawi at tiniyak na patuloy ang koordinasyon ng pamahalaan upang mabigyan sila ng kinakailangang tulong.

Ayon pa kay Marcos, mahigpit na mino-monitor ng mga awtoridad ang sitwasyon ng mga Pilipino sa Israel at sa iba pang apektadong lugar, kasabay ng patuloy na tumitinding tensyon sa pagitan ng United States, Israel, at Iran.