Epektibo na simula kaninang alas-6 ng umaga ang panibagong taas-presyo sa mga produktong petrolyo na sabay-sabay na ipinatupad ng mga kumpanya ng langis.

Tumaas ng P0.70 ang presyo ng kada litro ng gasolina, habang P1.40 naman ang dagdag sa diesel, at P0.80 sa kerosene.

Ayon sa Department of Energy (DOE), ang panibagong oil price hike ay bunsod ng tumataas na pandaigdigang demand para sa langis at ng patuloy na tensiyon sa Red Sea na nakaaapekto sa supply chain.

Gayunman, umaasa ang DOE na maaaring magkaroon ng rollback sa presyo ng langis sa susunod na linggo kasunod ng pagtaas ng produksyon ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) at iba pang salik gaya ng ipinataw na mas mataas na taripa ni US President Donald Trump sa ilang bansa.