Isa na namang kaso ng pamamaril ang naitala kagabi, araw ng Huwebes sa Barangay Bulit, bayan ng Datu Montawal sa lalawigan ng Maguindanao del Sur.
Base sa kopya ng National ID na nakapkap sa biktima, kinilala ito sa pangalang Michael Abas na taga Carmen sa North Cotabato.
Hindi pa tukoy ang dahilan o motibo kung bakit binaril hanggang mapatay ang biktima.
Nagsasagawa naman ngayon ng imbestigasyon ang mga otoridad sa insidente.