Tinalakay na sa isinagawang Public Hearing o Plenaryo Publiko ang panukalang Senate Bill 2875 o ang pagbuo sa Special Geographic Area ng Bangsamoro Autonomous Region na tatawaging probinsya ng Kutawato.

Nanguna sa isinagawang pagtalakay sa naturang panukala ni Senator Robin Padilla si Senate Deputy Majority Leader JV Ejercito.

Layunin ng nasabing panukala ang pagbuo ng Kutawato Province na kinabibilangan ng mga bayan ng Pahammudin, Kadayangan, Nabalawag, Old Kaabakan, Kapalawan, Malidegao, Tugunan at Ligawasan.

Ayon kay Ejercito, labis nitong sinusuportahan ang panukala upang hindi malagay sa disenfranchisement at makapamili na ng kanilang napupusuan ang mga botante na mula pa sa 63 na barangays sa susunod na halalan sa 2025.

Ayon kay Ejercito, mahalaga aniya ang pagpili at karapatang bumoto kung kayat nararapat lamang na masiguro na ang pamahalaan ay hindi magkakait ng karapatang ito sa mga mamamayan.