PASADO na sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na may layong magpatayo ng apat na mga bagong ospital sa Bangsamoro Region.
Sa pamamagitan ng pagpapatayo ng mga bagong hospital, umaasa si MP at Health Minister Dr. Kadil Sinolinding Jr. na mapahusay pa sa rehiyon, ang access ng mga mamamayang bangsamoro sa medical at health care.
Ayon pa sa Doktor, ang mga ospital na ito ay tatawaging South Ubian General Hospital sa Tawi-Tawi, Aleem Abdulaziz Mimbantas Memorial Hospital sa Lanao del Sur
Habang ang dalawang ospital na tatawaging Northern Kabuntalan General Hospital at Datu Blah Sinsuat General Hospital ay balak ipatayo sa lalawigan ng Maguindanao del Norte.
Ang apat na nasabing ospital ay magkakaroon ng tig50 milyong pisong pondo na may layong makapagtayo ng matibay na pasilidad na makapaghahatid ngt dekalidad na medikal na serbisyon sa mamayang bangsamoro.