Transmission to Malacañang o ang pirma na lang ng pangulong Marcos ang kulang para maging ganap na batas ang House Bill Number 8925 o ang Philippine Islamic Burial Act na nagpapatupad aa agarang pagpapalibing ng mga kapatid nating Muslim sa kanilang yumaong mahal sa buhay na naaayon naman sa islamikong paraan ng paglilibing.
Sa ilalim ng nasabing panukala, pinapayagan ang agarang pagpapalibing ng mga yumaong Muslim kahit na wala pa ang sertipiko ng kamatayan o death certificate nito.
Pinapayagan din ng nasabing batas ang pagsusumite ng nabanggit na papeles sa loob ng 14 na araw matapos ilibing ang isang patay. Kasama rin sa nabanggit sa panukala na dapat mailabas ang labi ng namatay mula sa ospital sa loob ng 24 oras na alinsunod sa mga islamic ritual, kahit di pa nababayaran ang mga gastos nito at hospital bills.
Isa umano ito aniyang breakthrough o makabagong paraan upang mabawasan ang pasan na bigat ng mga kamaganak o mahal sa buhay ng ating mga kapatid na Muslim na namayapa, biglaan man o hindi.