Sa pamamagitan ni Senador Juan Miguel Zubiri ang Senate Bill Number 2915 o ang panukalang batas na naglalayong ibalik ang naburang Sulu Province sa Bangsamoro Autonomous Region.
Nakasaad sa naturang Senate Bill Number 2915 ang pagsasagawang muli ng plebesito sa mga mamamayan ng Sulu na tatanungin kung nais pa nilang maging bahagi o kabilang sa BARMM.
Ayon sa mambabatas na tubong Mindanao at Bukidnon, mas mabibigyan ng boses ang mga taga Sulu sa naturang hakbangin na ito. Kasama rin sa panukala ang paglalaan ng pondo para sa ganap na implementasyon ng naturang batas.
Una nang sinabi ng senador na noong unang ginawa ang BARMM ay tumanggi ang mga tagaroon na mapasama sa rehiyon ngunit ito ay noong 2019 pa.
Giit naman ng dating pangulo ng Senado na mas magandang tanungin na aniya muli ang mga taga Sulu kung nais pa nila mapabilang sa BARMM dahil aa mga tulong ng National at Regional government na bumabagsak sa kanilang probinsya.
Noong Setyembre, naglabas ng desisyon ang kataas-taasang hukuman na nagbubura sa Sulu sa Bangsamoro Autonomous Region dahil sa pagboto sa plebesito ng NO ng mga taga lalawigan sa naging ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law o BOL noong 2019.