Inihain sa Bangsamoro Parliament ang panukalang batas para sa pagtatayo ng kauna-unahang maritime school sa rehiyon, na ilalagay sa Tawi-Tawi.

Ang Parliament Bill No. 356 o “Tawi-Tawi Maritime School Act of 2025,” na inakda ni MP John Anthony Lim, ay layuning magbigay ng espesyal na maritime education sa mga estudyanteng dati’y kailangang bumiyahe pa palabas ng BARMM.

Sakaling maaprubahan, mag-aalok ang paaralan ng mga kursong Bachelor of Science in Marine Transportation, Marine Engineering, at iba pang short courses para sa training ng mga seafarer at fishery operations.