Nabigo ang panukalang batas para sa redistricting ng pitong (7) parliamentary districts sa lalawigan ng Sulu na umusad sa plenaryo ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) matapos itong tutulan ng mayorya ng mga miyembro ng Parliament.‎‎

Sa botong 23 mula sa mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) bloc, hindi ito naging sapat upang maisulong ang pagtalakay ng naturang panukala sa plenaryo.

Mahigit 30 miyembro ng Parliament ang hindi pumabor, dahilan upang ibalik ang usapin sa antas ng joint committee.

‎‎Ayon sa MILF Members of the Parliament (MPs), layunin sana nilang maisulong at maipasa ang panukalang batas ngayong linggo bilang bahagi ng paghahanda sa unang Bangsamoro Parliamentary Elections sa Oktubre.

Giit nila, handa silang tumindig at suportahan ang pagpasa ng naturang panukala.‎‎

Patuloy namang umaasa ang MILF bloc na mabibigyan ng patas na pagtalakay ang redistricting proposal sa mga susunod na linggo.