Humingi ng paumanhin sa publiko o public apology ang pari na si Fr. Carlito Dimaano ng Nuestra Senora del Pilar Shrine and Parish sa Occidental Mindoro hinggil sa trending na concert na isinagawa sa loob ng simbahan na ikinadismaya ng mga mananampalatayang Katoliko na nakapanood sa naturang konsiyerto.

Inako ng naturang pari ang pagkakamali at isa isa itong humingi ng paumanhin sa mga nasaktan, sa mga nadawit na mga artista na sina Julie Anne San Jose at Jessica Villarubin maging sa obispo na si Pablito Tagara na di umano ay di naingatan at naipahiya ng nasabing pari.

Sa huli, umamin na ang pari na natuto na ito sa nangyari at nangako na ito hindi na mauulit pa sa hinaharap.