Kumprehensibong suporta para sa mga pamilya ng non-decommissioned na Mujahideen at Mujahidat na nag-alay ng kanilang buhay para sa layunin ng Bangsamoro.

Ito ang layunin ng nakahaing Parliament Bill Number 326 na inihain ng mga mambabatas na Moro sa Parliament.

Sa ilalim ng nasabing panukala, itatatag ang Martyred Mujahideen Assistance Fund na may layuning nagbibigay tulong pinansyal sa mga pamilya na Mujahideen at Mujahidat.

Kung makakalusot ang panukala, entitled ang mga benepisyaryo ng buwanang tulong pinansyal, libreng pagpapaaral sa kanilang mga anak, healthcare services at oportunidad sa hanapbuhay.

Magkakaroon din ng pabahay at lupa upang matiyak ang magandang kondisyon ng pamumuhay ng mga benepisyaryo at legal na tulong upamg matulungan ang mga ito sa kanilang karapatan sa ari arian at maaccess ang mga welfare services.

Ang pagpopondo para sa panukalang batas ay huhugutin mula sa pambansang badyet, donasyon, grants at mga international aids upang matiyak ang continuity at sustainability ng programa.

Pangunahing magkakatuwang sa pagakda ng panukalang ito ang mga Member of Parliaments na sina MP Michael Midtimbang, Jamel Macacua, Abdulkarim Misuari, Nurredha Misuari, Kadil Sinoliding, Tawakal Midtimbang, Bassir Utto, Mudjib Abu, Mohammad Kelie Antao at Suwaib Oranon habang co author naman ng PB 326 sina MP’s Abdulwahab Pak, Randolph Parcasio at Abdulazis Amenoden.