Bilang pagpapakita ng pakikiisa at suporta sa lokal na pamahalaan, bumisita si Lt. Col. Ronald E. Suscano, ang bagong itinalagang Acting Commanding Officer ng 6th Civil-Military Operations (KASANGGA) Battalion ng CMOR, Philippine Army, kay Mayor Mohamad Ali “Bruce” Matabalao ng Cotabato City.

Isinagawa ang courtesy visit noong Oktubre 7, 2025 sa tanggapan ng alkalde sa People’s Palace, Cotabato City.

Layon ng naturang pagbisita na paigtingin ang magandang ugnayan sa pagitan ng 6th CMO Battalion at ng lokal na pamahalaan, upang higit pang mapatatag ang kanilang pagtutulungan sa mga inisyatibang naglilingkod sa mamamayan, lalo na sa aspeto ng peacebuilding, community support, at information operations.

Sa pamamagitan ng ganitong hakbang, ipinapakita ng pamunuan ng kasundaluhan ang kanilang dedikasyon sa pagpapalakas ng civil-military cooperation, na mahalagang salik sa pagpapanatili ng kaayusan at kaunlaran sa lungsod.

All photo credits to 6th CMO “Kasangga” Battalion, CMOR, PA