Binisita ni Agri Partylist Representative Wilbert T. Lee ang BARMM region partikular na sa lungsod ng Cotabato upang alamin ang mga pangangailangan nito na kanyang isusulong o gagamiting pangakda ng batas sa kongreso.

Nakasama ni Lee ang mga opisyales ng partidong SIAP sa lungsod ng Cotabato sa pangunguna ni Atty. Naguib Sinarimbo at kinonsulta ang mga ito sa mga usapin na may kinalaman sa usaping medikal, agrikultura, mga usaping pangkatutubo, murang halaga ng pagkain at libreng gamot na kanya namang tinututukan sa kongreso.

Matapos na kanyang ilahad ang mga plano para dito, sinabi na rin nito ang kanyang intensyon na lumaban sa pagkasenador sa taong 2025. Binigyang diin ng kongresista na kaya nito napiling lapitan ang SIAP dahil ito ay may prinsipyong inklusibo at progresibo na para sa lahat.