Nagbayad ng 2,664 Australian dollars o higit P102,000 ang isang pasahero dahil sa pagdadala nito burger sa airport ng Australia.
Ayon sa report, ang hindi pinangalanang pasahero ay nagmula sa Bali, Indonesia na may dalang egg and beef sausage Muffins at ham croissant na nakalagay sa kanyang luggage.
Na detect naman ito ng biosecurity detector dog nga si ‘Zinta’ habang sinusuri ang kanyang luggage sa arrival area ng Darwin Airport.
Napag-alaman na mahigpit ngayon ang biosecurity rules sa Australia matapos ang naging outbreak ng Foot and Mouth disease (FMD) sa Bali, Indonesia.
Ang Bali ay kilala bilang isa sa mga tourist destination ng mga Australian tourists..