Nagbabala ang isang pasahero matapos silang dayain ng van papuntang Cotabato City mula Davao.

Kwento ni Erika Kandog sa kanyang fb post, inalok sila ng biyahe ng isang dispatcher na nagsabing wala nang bus at sa alas-6 pa ang susunod.

Dahil nagmamadali, napilitan silang sumakay.

Siningil sila Eika ng ₱1,000 (₱500 bawat isa), pero sa Midsayap lang pala ang ruta.

Iniwan sila doon at ₱200 lang ang ibinalik. Hindi rin sila tinulungan ng driver.

Buti na lang aniya may mga motorcycle drivers na tumulong sa kanila makasakay ng bus pa-Cotabato.

Kaya babala nito sa mga pasahero na pauwing Cotabato City mula Davao, huwag basta sumakay sa labas ng opisyal na terminal, siguraduhing lehitimo ang sasakyan at malinaw ang ruta, iwasan rin aniya ang mga nag-aalok ng shortcut na biyahe.

Panawagan pa nito sa mga awtoridad na sana ay maaksyunan ito upang hindi na maulit ang ganitong panloloko.