Suspendido bukas, Setyembre 23 araw ng Lunes umpisa alas 3 ng hapon ang pasok sa gobyerno.

Ito ay alinsunod sa Proclamation Number 60 series of 1992 na nagdedeklara sa huling linggo ng Setyembre ng bawat taon bilang Family Week at Proclamation No. 326 series of 2012 na nagdedeklara sa ikaapat na lunes ng buwan ng Setyembre bilang ‘Kainang Pamilya Mahalaga Day.

Sa kabilang dako, di naman kasama dito sa mga suspendido ang pasok sa hapon ang mga sangay ng pamahalaan na may kaugnayan sa pangangalaga ng seguridad, kalusugan at rumiresponde sa kalamidad at sakuna.

Pirmado ang Memorandum Circular Number 64 ni Executive Secretary Lucas Bersamin.