Magsisimula na ang klase para sa taong 2024-2025 sa Hulyo 29 at magtatapos sa Abril 15 sa susunod na taon.
Ito ay base sa inilabas na panuntunan ng DEPED para sa taong 2024-2025 at bisa na rin ng Department Order 009 Series of 2024 na pirmado ni Vice President at dating Education Secretary Sara Duterte.
May kabuuang 200 na araw simula July 29 hanggang Abril 15 ang school days samantalang ang enrollment naman ay nagsimula na noong July 3 at matatapos hanggang July 26.
Nakatakda naman ang Brigada Eskwela sa July 22 hanggang 27 habang ang Oplan Balik Eskwela naman ay magsisimula sa July 22 hanggang Agosto 2.
Christmas break naman ay magsisimula sa Disyembre 21 hanggang January 1.
Sa kabila nito, IN PERSON learning pa rin ang pangunahing paraan ng pagtuturo sa pangkalahatang paaralan ngunit ipatutupad ang blended learning pag suspendido ang klase sa mga dahilan ng kalamidad o emergency.