Pormal nang sisimulan ang pagpapatayo ng proyekto na patubig para sa mga mamamayan ng Barangay Sapad Matanog sa Maguindanao Norte. Isinagawa ang ground breaking ceremony katuwang ng OPAPRU na pinondohan ng PAMANA.

Itatayo ang nasabing patubigan sa Sitio Pangtoon.

Kabilang sa Camp Transformation Program ang barangay kung kayat ito ang napiling bigyan ng kahalintulad na proyektong patubig.

Dumalo naman sa pagpapasinaya si Matanog Mayor Zohria Guro, kasama ang mga opisyales nito, mga opisyales ng barangay LGU, representante ng MILF na si Kumander Winston at ang JTFC-OPAPRU.

Inihayag naman ng babaeng alkalde ang kanyang suporta sa kapayapaan ng kanyang sakop na bayan at hinikayat ang lahat na makiisa sa pagsuporta sa mga programang pangkapayapaan at pangkaunlaran sa bansa.