Patuloy ang effusive eruption ng Mayon Volcano sa ika-35 na magkasunod na araw, ayon sa pinakabagong ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Ayon sa time-lapse footage na naitala noong 10:18 PM, 10 Pebrero 2026, makikita ang patuloy na pag-agos ng incandescent lava mula sa summit crater, kasabay ng mga pyroclastic density currents o tinatawag na “uson”, at rockfall.

Naabot ng lava flows ang tinatayang layo na 3.77 kilometro sa Basud sa silangan, 1.59 kilometro sa Bonga sa timog-silangan, at 1.34 kilometro sa Mi-isi Gullies sa timog, batay sa datos hanggang 5 Pebrero 2026.

Nanatili sa Alert Level 3 ang Mayon Volcano, at mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa loob ng 6-kilometrong Permanent Danger Zone upang maiwasan ang panganib sa buhay at ari-arian.