Iginiit ni Senator Juan Miguel Zubiri na may mga grupong umano’y nais sirain ang peace process sa Mindanao sa pamamagitan ng pagpigil sa pagsasagawa ng halalan sa Bangsamoro region.
Ayon kay Zubiri, ang pinakamadaling paraan upang mawasak ang kapayapaan ay ang subvert o balewalain ang mandato ng mamamayan sa pamamagitan ng hindi pagpapahintulot ng eleksyon.
Binigyang-diin ng senador na kung patuloy na ipagpapaliban ang halalan ay maaaring muling sumiklab ang kaguluhan sa Mindanao, partikular sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.
Kaugnay nito, umaasa si Zubiri na ideklarang constitutional ng Korte Suprema ang Bangsamoro Autonomy Act No. 86 upang matiyak ang tuloy-tuloy na proseso ng eleksyon at mapanatili ang kapayapaan sa rehiyon.

















