NASAWI ang isang payong-payong drayber matapos ito pagbabarilin ng ‘di pa nakikilalang suspek sa Almonte Extension, MB Poblacion, Cotabato City.

Sa ulat ng kapulisan, binabaybay ng biktima ang kahabaan ng Almonte Extension, MB Poblacion, sakay ng kanyang payong-payong nang ratratin ng bala ng suspek gamit ang ‘di pa tukoy na uri ng armas.

Sa inisyal na imbestigasyon, napag-alamang sangkot diumano ang biktima sa ilegal na gawain habang ang suspek ay patuloy na inaalam pa ng otoridad ang pagkakakilanlan matapos ito mabilis na nakatakas.