Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin habang minamaneho ang kanyang tricycle sa Poblacion Dalican, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte, kaninang alas-11:18 ng umaga.
Kinilala ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station (DOS MPS) ang biktima bilang si Saber Mohamad, residente ng Barangay Makir sa naturang bayan.
Batay sa imbestigasyon, binaril si Mohamad ng isang hindi pa nakikilalang suspek na sakay ng scooter motorcycle habang sinusundan siya.
Agad siyang isinugod ng mga pulis sa pinakamalapit na ospital, ngunit idineklarang dead on arrival dahil sa mga tama ng bala.
Patuloy na nagsasagawa ng hot pursuit operation ang mga awtoridad upang matukoy at mahuli ang suspek.