Binigyang diin ng hepe ng Cotabato City Traffic Enforcement Unit o TEU na si Lt. Col. Rowell Zafra na patuloy silang magpapatupad ng mga batas at kautusan hinggil sa pagbabawal sa mga payong-payong na mula sa iba pang lugar na pumasok sa siyudad ng Cotabato.

Ito ang sagot ni Zafra sa mga matitigas na ulo na Payong-Payong Drivers na mula pa sa Sultan Kudarat, Maguindanao Norte na pumapasok pa rin sa lungsod.

Ayon kay Zafra, lubos nyang naiintindihan ang mga hinaing nito ngunit may batas na sinusunod sa siyudad lalo’t bawal ang mga payong-payong sa national highway sa lungsod.

Maliban dito, maari namang makaapekto ang mga ito sa mga lehitimong namamasada ng payong-payong sa lungsod.

Bilang panghuli, nagmensahe di Zafra sa mga taga lungsod na makipagtulungan at makicooperate para sa pagpapanatili ng kapayapaan sa lungsod ng Cotabato.