Itinaas na ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang kamay ng mag-amang si Maguindanao Del Norte with Cotabato City Congresswoman Bai Dimple at Maguindanao Del Sur Governatorial Aspirant Datu Tucao Mastura bilang mga pambato nito sa lalawigan ng Maguindanao del Norte.
Si Congresswoman Bai Dimple ay nauna nang naendorso bilang kandidato sa pagiging kongresista sa probinsya at lungsod sa ilalim ng Lakas CMD at suportado naman ng Partido Federal ng Pilipinas o PFP at ng UBJP ang kandidatura nito.
Matatandaan na binigyang diin ni BARMM Chief Minister at UBJP President Al Haj Murad Ebrahim na si Congresswoman Bai Dimple ay matagal nang kasama ng UBJP sa adbokasiya nito ng moral governance sa lalawigan at rehiyon.