Nakiramay sa pamamagitan ng isang sulat si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga naulila ng kaunaunahang Muslim. Lady Senator Santanina Rasul.
Ayon kay PBBM, sinira aniya ni Senator Rasul ang mga balakid sa pamamagitan ng kanyang pagsasabatas at pagpapanukala ng pagkakapantay-pantay at pagiging malakas ng bawat pamilya, kababaihan maging mga katutubo at Moro.
Dagdag pa ng pangulo, kampyon aniya si Senator Rasul ng kanyang ipinaglalaban kung kaya’t dalawang ulit itong napagkatiwalaan bilang mambabatas.
Labis naman ang pagpapasalamat ng Pangulo sa buhay ni Rasul sabay ang pagbibigay nito ng saludo at pakikiramay sa mga naulila ng batikang mambabatas.