Ipinahayag ni PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan na ang MV Trisha Kerstin 3, isang passenger vessel, ay hindi overloaded nang lumubog sa karagatan ng Basilan noong madaling araw nitong Lunes, Enero 26, 2026.
Ayon kay Admiral Gavan, ang maximum capacity ng barko ay 350 pasahero, habang ang aktwal na bilang ng sakay sa insidente ay 332 lamang, batay sa ulat ng master ng barko.
Nangyari ang trahedya habang ang barko ay naglayag mula Zamboanga City patungong Jolo, Sulu, sa oras na iyon ay hindi inaasahan ang paglubog ng barko.

















