Pumirma sa isang Memorandum of Agreement ang PDEA BARMM at Cotabato Regional and Medical Center o CRMC upang mabigyan ng serbisyong pangkalusugan ang lahat ng PDEA personnel sa rehiyon maging sa mga naaresto nitong mga suspek.
Naganap ang pirmahan noong Oktubre 16 sa pagitan ni PDEA BAR Regional Director Gil Cesario Castro at ang hepe ng CRMC na si Dr. Eshmael Dimaren sa opisina nito sa CRMC , Cotabato City.
Layunin ng nasabing MOA ang paghahatid ng CRMC ng serbisyong pangkalusugan sa mga kukuhang PDEA personnel kabilang na ang pagpapaospital, diagnostic treatments maging ang mga kaso na emerhensiya at iba pa lalo na rin ang mga nasaktan na PDEA personnels na gumagampan ng kanilang tungkulin.
Saksi sa nasabing pirmahan ang ilang tauhan ng CRMC maging ng PDEA BARMM.