Nagkaroon ng makabuluhang talakayan sa pagitan ng pamahalaang Bangsamoro at ni PDEA-BARMM Regional Director Gil Cesario Castro hinggil sa pagpapalakas ng kampanya laban sa ilegal na droga. Layunin ng pagpupulong na mas paigtingin ang mga hakbang upang mapanatili ang kaligtasan, kaayusan, at disiplina sa buong rehiyon bilang bahagi ng adbokasiya tungo sa Mas Matatag na Bangsamoro.
Ayon sa liderato ng BARMM, ang ilalim ng prinsipyo ng moral governance ay nakasalalay ang tunay na kapayapaan—kapayapaang nakakamit lamang kung ang bawat komunidad ay malaya sa bisyo, karahasan, at banta ng droga. Ang pagpapaigting ng laban kontra ilegal na droga ay itinuturing na mahalagang haligi upang matiyak ang maayos na kinabukasan ng mamamayang Bangsamoro.