Nanguna ang Philippine Drug Enforcement Agency BARMM at ang hepe nito na si Regional Director Gil Cesario Castro at ang mga kawani nito sa isinagawang 2 araw na Capacity Enhancement Training on Barangay Drug Clearing and Advocacy Campaign sa 38 na BADAC members ng Sultan Kudarat Town, Maguindanao del Norte nitong Nobyembre 5 hanggang 6, 2024.
Layunin ng pagsasanay ang mapahusay ang kapasidad ng mga punong barangay at mga BADAC members nito dahil sila ay mayroong kritikal na ginagampanan sa mas pinaigting na kampanya kontra droga.
Personal namang iniabot ni RD Castro ang mga sertipiko ng mga nakakumpleto sa naturang training.
Sa kabilang dako, nagpasalamat naman si Castro sa alkalde ng bayan na si Mayor Datu Tucao Mastura para sa suporta at ibinibigay nitong pagtitiwala sa ahensya at binati naman nito ang mga nakakumpleto ng nasabing pagsasanay ng PDEA.