Maituturing na pananagumpay ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity o OPAPRU ang natamo ng peace process hanggang sa panunungkulan ng kasalukuyang administrasyon ni Pangulong BBM.
Kasabay ng SONA ng pangulo ngayong araw, ipinagmalaki ng tanggapan ang naabot ng usapang pangkapayapaan sa hanay ng MILF at MNLF sa rehiyon ng Bangsamoro.
26,145 mula sa 40k na MILF combatants habang 4,625 naman na mga armas ang nadecommission habang nasa 3.5 bilyong piso ang naipamahaging pondo para dito.
Aabot naman sa 24 na Joint Peace and Security o JPST Teams ang nadeploy sa rehiyon habang 600 milyong piso naman ang inilaan para sa mga proyektong pambarangay sa anim na kampo ng MILF.
Sa panig naman ng MNLF, nasa 1802 na combatants ang nakatapos na sa beripikasyon at socio-economic profiling kung saan 90 milyong piso naman ang inilaan bilang transitional cash mula sa DSWD.
1,941 na mga armas nito ang verified at documented na. Naipatupad na din ang halos 80 na mga proyejto sa ibat ibang komunidad gamit ang 125M na pondo para rito.