Nakipagdayalogo para sa kapayapaan ang 2nd Mechanized Infantry (Makasag) Battalion kasama ang Moro National Liberation Front (MNLF) sa Camp Kulod Bagui, Barangay Udtong, Lambayong, Sultan Kudarat.

Layunin ng pagtitipon na palakasin ang pag-unawa, kooperasyon, at pagkakaisa ng mga pangunahing sektor tungo sa pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran ng komunidad.
Pinangunahan ang aktibidad nina BGen. Omar V. Orozco PA, Commander ng 1st Mechanized Brigade; LTC Felmax B. Lodriguito Jr. ARM (GSC) PA, Commanding Officer ng 2nd Mechanized Infantry Battalion; LTC Aslim M. Ulangkaya (INF) PA, CDC Director; at 1LT Jovenal B. Sadiasa Jr. (ARM) PA, Officer-in-Charge ng 23rd Mechanized Company.
Dumalo rin si Datu Cons S. Kulod, Brigade Commander ng 3rd Brigade MNLF, bilang kinatawan ng kanilang hanay, kasama ang suporta ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Hon. Eduardo M. Duque Jr., ABC President ng Lambayong.
Itinampok sa dayalogong ang patuloy na pakikipagtulungan ng Philippine Army, MNLF, at lokal na pamahalaan upang isulong ang seguridad, katatagan, at kaunlaran sa Sultan Kudarat. Sa pamamagitan ng bukas na komunikasyon at sama-samang pangako, muling pinagtibay ng lahat ng panig ang kanilang dedikasyon para makamit ang pangmatagalang kapayapaan para sa mamamayan sa lugar.