Nagpaalala ang tanggapan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa Cotabato kaugnay sa patuloy na mga pagyanig na nararanasan sa rehiyon.

Ayon kay Engr. Ranier Amilbahar ng PHIVOLCS Cotabato, aktibo ang galaw ng Eurasian Plate sa Cotabato Trench, na siyang sanhi ng sunod-sunod na lindol sa lugar.

Paliwanag ng opisyal, kabilang sa mga pinaka-aktibong fault line ang Cotabato at Manila Trench, kaya’t hindi na bago ang mga pag-uga ng lupa sa mga karatig na lugar. D

ahil dito, pinaalalahanan niya ang publiko na tiyaking matibay ang pundasyon ng kanilang mga bahay upang makaiwas sa sakuna.

Dagdag pa ni Amilbahar, mahalagang alam ng mga nakatira malapit sa baybaying dagat ang mga dapat gawin sa oras ng malakas o kahit mahinang lindol.

Pinayuhan din niya ang lahat na sumunod sa mga patakaran at abiso ng mga kinauukulan upang mapanatiling ligtas ang bawat isa.

Mas makabubuti na lagi tayong handa at disiplinado lalo na sa harap ng mga ganitong sakuna.