Kinumpirma ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na kanselado na ang tsunami advisory na inilabas kaugnay ng Magnitude 8.7 na lindol na tumama sa Kamchatka Peninsula sa silangang bahagi ng Russia.
Sa opisyal na anunsyong inilabas kahapon, sinabi ng PHIVOLCS na matapos ang pagsusuri ng mga datos mula sa local at international seismic monitoring systems, wala nang inaasahang banta ng tsunami sa mga baybayin ng Pilipinas.
Una nang naglabas ng tsunami advisory bilang pag-iingat ang mga otoridad matapos ang malakas na lindol na tumama sa karagatang bahagi ng Kamchatka, subalit lumabas sa pagsusuri na ang mga baybaying dagat ng Pilipinas ay hindi maaapektuhan ng mapanganib na tsunami wave.
Pinayuhan pa rin ng PHIVOLCS ang publiko na maging mapagmatyag at manatiling kalmado, at iwasan ang pagkalat ng maling impormasyon.