Isang pinagsanib na operasyon laban sa ilegal na droga ang isinagawa ng mga yunit ng Philippine National Police na nagresulta sa pagkakaaresto ng isang hinihinalang tulak ng droga at pagkakasamsam ng tinatayang PhP 170,000 halaga ng hinihinalang shabu sa Barangay East Kilikili, Wao noong Setyembre 23, 2025.

Kinilala ang suspek sa alyas na “Jover,” nasa hustong gulang, na nahulihan ng ilegal na droga sa isinagawang operasyon. Siya ay kasalukuyang nakadetine sa Wao Municipal Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Pinuri ni PBGEN Jaysen C. De Guzman, Regional Director ng PRO BAR, ang matagumpay na operasyon at ang kasigasigan ng mga operatiba. Muli rin niyang iginiit ang dedikasyon ng PRO-BAR sa pagpapatindi ng kampanya laban sa ilegal na droga.

Pinasalamatan din niya ang lokal na komunidad sa kanilang pakikiisa at pagbibigay ng impormasyon na naging susi sa matagumpay na operasyon.