Naghayag ng pakikiramay sa mga naulilang mahal sa buhay ng napaslang kagabi sa Cotabato City na si PMSG John Manuel Bongcawil ang Police Regional Office- BAR.

Sa naging post of sympathy nito sa social media, inilarawan ng PRO-BAR ang kanilang kabaro na si Bongcawil na isang dedikado at decorated na kasapi ng PRO-BAR.

Kawalan aniya ng kapulisan ang kagaya ni PMSG Bongcawil na tapat, mahusay at magaling na kapulisan sa rehiyon.

Kung maaalala, kagabi ng walang awang paslangin sa harapan ng pamilya nito si PMSG Bongcawil ng dalawang di pa nakikilala na salarin sa parking area ng Citymall sa lungsod ng Cotabato.

Tinitignan din na anggulo sa pagpaslang dito ang kanyang trabaho bilang intelligence officer ng kapulisan.