Patuloy na sinisiyasat ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang ulat tungkol sa umano’y pagkamatay ng isang Pilipino habang nakikilahok sa labanan sa Ukraine kasama ang puwersa ng Russia.
Ayon kay AFP spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, wala pang opisyal na kumpirmasyon mula sa mga awtoridad na makapagpapatunay sa naturang insidente.
Idinagdag pa ng AFP na nakikipag-ugnayan sila sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno at kaukulang mga opisyal upang tiyakin ang katumpakan ng impormasyon.
Batay sa iniulat ng Ukraine’s Main Intelligence Directorate, isang lalaking pinaniniwalaang Filipino citizen na kinilalang “John Patrick” ang nasawi sa isang operasyon malapit sa Novoselivka, Donetsk region, kung saan patuloy ang matinding labanan sa loob ng ikalimang taon ng digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine.

















