Matagumpay na naisagawa ang pirmahan ng kontrata para sa Pitong Infrastracture Projects ng BARMM Marawi Rehabilitation Program o BARMM MRP katuwang ang Ministry of Human Settlements and Development o MHSD.
Ginanap ang nasabing pirmahan kamakalawa, Nobyembre 30 sa isang hotel sa Marawi City kasama ang mga nanalong bidder.
Ang pitong proyekto na pinangalanan at tinukoy sa nasabing contract signing ay may layunin na mapagaan ang buhay ng mga Internally Displaced Persons o IDP at tulungan na muling makabangon ang mga tinaguriamg MAA’s o Most Affected Areas sa siyudad.
Ang BARMM MRP ay isa sa pangunahing programa ng Bangsamoro Government bilang bahagi ng 13 point priority agenda na naglalayong masuportahan ang rehabilitasyon ng Islamic City of Marawi.