Ipinakita ng 1st Brigade Combat Team ang pitong Bangsamoro Islamic Freedom Fighters na sumuko sa pamunuan ng 6th Mechanized at 99th Infantry Battalion ng Philippine Army kay 6ID ar JTF Central Commander MGen. Antonio Nafarette.

Ayon kay 1BCT Commander BGen. Jose Vladimir Cagara, una nang sumuko ang dalawa sa mga kasapi ng BIFF-Bungos Faction sa 6th MB bitbit ang mga armas nito habang lima naman na mula sa Karialan Faction ay sumuko sa 99th IB Bitbit ang kanila ring mga armas.

Sa tulong ng mga ahensya kagaya ng Ministry of Public Order and Safety, Ministry of Social Services and Development maging mga lokal na pamahalaan, nabigyan ng paunang ayudang pinansyal at mga pagkain ang mga nagsisukong indibidwal.

Ayon kay MGen. Nafarette, ang pagsuko ng pitong indibidual ay resulta ng matibay na kolaborasyon ng Militar, LGU’s, mga stakeholder at mamamayan ng Maguindanao Norte.