Nagsagawa ng “Lecture on the Plea Bargaining Framework in Drug Cases” bilang parte ng Gender and Development Program para sa mga babaeng PDL ang Cotabato City Jail-Female Dormitory ng BJMP kahapon, araw ng Huwebes.
Sa naging panayam kay City Jail Warden Insp. Cheng Durantez sinabi nito na ang programa ay upang magkaroon ng malawak at ibayong pang-unawa ang mga babaeng PDL sa konsepto ng plea-bargaining framework sa mga kaso na may kinalaman patungkol sa droga.
Pinasalamatan din nito ang opisina ni Minister of Parliament Suharto “Teng” Ambolodto para sa kanilang patuloy na suporta sa naturang programa.
Namangha naman si MP Ambolodto sa inisiyatiba ng CCJ-FD sa pangunguna ni Jail Insp. Durante na nagbibigay pagpapahalaga sa mga kababaihang PDL at nagbibigay kaalaman sa kanilang legal na karapatan maging opsyon sa pagbibigay hustisya ng may tunay na kakayahan at pag-unawa
Ayon sa mambabatas, isang malaking hakbang ang naturang programa at umaasa ito na magkaroon ng positibong hakbangin ang programa sa buhay ng mga PDL’s.
Naniniwala din si Ambolodto na makakatulong ang programa sa rehabilitasyon at reintegrasyon sa CCJ-FD.