Partial o hindi pa opisyal.

Ito ang paniniwala ni MP at Abogado na si Omar Yasser Sema sa naging desisyon ng korte suprema na nagdedeklarang labag sa konstitusyon ang pagsasagawa ng plebesito sa mga bayan ng Datu Odin Sinsuat at Sultan Kudarat sa Maguindanao del Norte.

Una nang inihayag noong nakaraang linggo ng korte suprema na hindi na magaganap o matutuloy ang plebesito sa dalawang bayan dahil sa pagiging labag nito sa konstitusyon.

Sa ngayon, wala pang hardcopy o kopyang orihinal na hawak ang Bangsamoro Government pero magkagayon man, ayon kay MP Sema na abogado ay may mga hakbang na maaring gawin ang parliamento.