Nagtipon ang mga kinatawan ng Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), at Commission on Elections (COMELEC) kasama ang mga kandidato sa ika-4 na Distrito ng Maguindanao del Norte para sa isinagawang Peace Covenant Signing and Coordinating Meeting kaugnay ng nalalapit na unang Parliamentary Elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ang aktibidad ay ginanap noong Setyembre 15, 2025 sa Precious Cabana Resort, Barangay Badak, Datu Odin Sinsuat, at dinaluhan nina PLTCOL Haron Macabanding, hepe ng PIDMU, at PLTCOL Datutulon D. Pinguiman, hepe ng PCADU, sa ilalim ng pamumuno ni PCOL Eleuterio M. Ricardo Jr., Provincial Director ng Maguindanao del Norte PPO.

Saksi rin sa pagtitipon sina BGEN Michael A. Santos, Commander ng 603rd Infantry Brigade; BGEN Larry C. Batalla, Commander ng 1st Marine Brigade; BGEN Edgar L. Catu, Commander ng 601st Infantry Brigade; at Atty. Muamar A. Guyo, Provincial Election Supervisor, kasama ang iba pang opisyal ng Maguindanao del Norte PPO.

Layon ng kasunduang ito na pagtibayin ang pagkakaisa ng PNP, AFP, COMELEC at iba pang stakeholders upang matiyak ang mapayapa, ligtas, at tapat na pagsasagawa ng makasaysayang halalan sa BARMM.

Via Maguindanao Del Norte Ppo