Pinatibay ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines ang kanilang pagtutulungan upang masiguro ang kapayapaan at seguridad sa Bangsamoro Region. Ito ay sa pamamagitan ng Joint PNP-AFP Briefing kay PGEN Jose Melencio C. Nartatez Jr. na ginanap sa Maguindanao del Sur Provincial Office, Camp Datu Akilan noong Abril 2, 2026.

Sa pagpupulong, tinalakay ang pinakabagong kalagayan ng seguridad, mga operational accomplishments, at kasalukuyang inisyatiba sa rehiyon. Layunin ng aktibidad na palakasin ang koordinasyon ng dalawang ahensya at tiyakin ang mas epektibong pagpapatupad ng batas at seguridad sa komunidad.

Dumalo rin ang mga pangunahing opisyal mula sa AFP, kabilang sina LTGEN Donald M. Gumiran, MGEN Jose Vladimir R. Cagara, at BGEN Edgar L. Catu, katuwang ang Command Group at Regional Staff ng PRO BAR.

Ayon sa joint briefing, ang pinatibay na kooperasyon ng PNP at AFP ay susi upang mapanatili ang kapayapaan, maprotektahan ang mga residente, at masiguro ang ligtas na komunidad sa buong Bangsamoro Region.