Mariing itinanggi ni PNP Chief Gen. Nicolas Torre III ang alegasyon ni retired General Filmore Escobal kaugnay sa umano’y sapilitang pagpapadalo at pagpapa-donate sa mga pulis sa ginanap na “Boxing for a Cause” charity event.

Sa isang matapang na pahayag, tinawag ni Gen. Torre na “duwag” ang akusasyon ni Escobal at sinabing walang katotohanan ito. Giit ng PNP Chief, boluntaryo ang pagdalo ng mga pulis sa naturang event at walang sapilitang nangyari, taliwas sa ipinupukol na paratang.

Tinawag din ni Torre na “fake news” ang mga ipinakalat na impormasyon ni Escobal at tahasang pinunto na kilala si Escobal bilang tagasuporta ng dating Pangulong Rodrigo Duterte—isang detalye na umano’y may kaugnayan sa motibo sa likod ng kanyang mga batikos.