Pitong (7) katao ang nasangkot sa isang road crash incident nitong Pebrero 13, 2026, bandang 12:20 ng tanghali sa Barangay Napangan, Don Victoriano, Misamis Occidental.

Ayon sa ulat, ang nasabing aksidente ay kinasangkutan ng isang PNP Mobile Patrol vehicle na sakay ang isang team ng 2nd PMFC at MIS OCC personnel, kasama ang tatlong (3) empleyado mula sa Provincial Tourism Office. Ang grupo ay nasa security convoy para sa mga organizer ng Binibining Pilipinas nang mangyari ang insidente.

Habang tinatahak ang matarik at pababang bahagi ng kalsada sa Barangay Napangan, nawalan ng kontrol ang driver ng patrol vehicle, na umatras, natagilid, at bumagsak sa gilid ng bangin.

Wala pang detalyadong ulat ukol sa insidente, ngunit agad na rumesponde ang mga awtoridad upang masiguro ang kaligtasan ng mga biktima at masuri ang pinsala sa sasakyan.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang mga sanhi ng aksidente at maiwasan ang katulad na insidente sa hinaharap.