Lumahok si Police Brigadier General Jaysen C. De Guzman, Regional Director ng Police Regional Office–Bangsamoro Autonomous Region (PRO BAR), sa isang pagpupulong na tumalakay sa seguridad para sa nalalapit na 2025 BARMM Parliamentary Elections.

Ang naturang pagpupulong ay pinangunahan ni Police Lieutenant General Edgar Alan O. Okubo, Deputy Chief for Operations ng PNP, at isinagawa sa pamamagitan ng Zoom nitong Agosto 27, 2025. Idinaos ito sa PRO BAR Lounge sa Camp Brigadier General Salipada K. Pendatun, Parang, Maguindanao del Norte.

Sa nasabing conference, binigyang-diin ang kahandaan ng PNP sa pagpapatupad ng mga istratehiya para sa maayos na deployment, wastong paggamit ng resources, at mas matibay na ugnayan ng iba’t ibang ahensya. Layunin nitong matiyak na magiging mapayapa, ligtas, at maayos ang halalan sa buong rehiyon ng Bangsamoro.