Initsahan ng di pa kilalang suspek ng dalawang granada ang isang police detachment ng 4th Maneuver Platoon 2nd PMFC sa Barangay Galakit, bayan ng Pagalungan sa Maguindanao del Sur, Enero 1, 2025.

Sumabog ang isang granada kung saan nagiwan ito ng pinsala sa sasakyan ng isang pulis na nakaduty sa detachment habang hindi sumabog ang ikalawang granada na initsa ng di pa kilalang suspek.

Wala namang naitalang sugatan o nasawi sa insidente ngunit inaalam pa rin nila kunsino ang may pakana ng naturang pagpapasabog sa detachment.